Monday, November 26, 2007

CJC KOMIKS...FINAL ISSUE

This is my reaction to Mr. Randy Valiente's topic about CJC's last & final issue of his komiks...

Malabong maresolba ng sterling ang problema nila, dahil sa paningin ng isang tao dyan, sya ang diyos ng komiks at sya ang nagbigay buhay sa mga ito kaya andyan ang limang komiks sa ating mga kamay. Sya ang utak. Sya ang kamay. At sya din ang magsasabi kung ano ang dapat at hindi dapat. Kung pabiro man ang katagang nabangit ni CJC na "NA WALA NANG IBANG KOMIKS NA MAKAKAPASOK SA MERKADO KUNDI ANG CAPARAS KOMIKS" iyan ay pahayag ng isang sugapa sa kapangyarihan at yaman.

Alam naman nya siguro na bago nabuo ang kanyang Caraoke Caravan...este Caparas Caravan, ay meron ng "KOMIKON". At sa KOMIKON, tayong mga independent artist, writers, colorist at kung ano-ano pa, ay muling nagkaisa, sa ating munting kakayahan at pagmamahal sa ating sining (at hindi para kumita at magkaroon ng marangyang pangalan) at ang malinaw na intensyong maibalik sa naghihikahos na mga Pinoy ang pambansang tagapag-ubos oras (kesa manood ka ng DVD na puro PORN at makipag-tsimisan)ang KOMIKS.

1995, sa UP Faculty Center una tayong nagbuklod buklod (nagtulungan ang ALAMAT at College of Fine Arts), upang maipadama ang lakas ng ating dedikasyon at pagmamahal sa komiks...sino ang nag gabay sa atin ng mga panahong iyon? Diba si Whilce Portacio. Sa kanya tayo lahat kumapit at ilan nga sa atin ang mga nabiyayaan. At ang mga taong naging disipolo ni Whilce ang talagang umalalay sa komiks, lalo na nun itoy nasa "Life-Support" na. Dumamay ba sya (CJC)? Asan sya? Gumagawa ng mga penikula nya? Binigyan pansin nya ba ang KOMIKS ng mga panahong yon?

Honest opinion, ginamit lang nya ang KOMIKS para i-angat ang pa-wala nyang career. Ginamit nya ang mga kawawang mga mahuhusay na artist at creator sa mga ilang na pook, para manipulahin nya. At ngayon, pati un tumulong sa kanyang publishing company, gusto nyang manipulahin? sa paraang hindi na sya mananamlay muli. Pero nagtagumpay naman sya sa una nyang intensyon...ang buhayin ang kanyang career to the expense ng mga kawawa nating mga artist at writer.

Pangising lang sana sa ating lahat ang katagang binitawan nyang ito..."na wala nang ibang komiks na makakapasok sa merkado kundi ang Caparas Komiks."

Kung ano ang gusto nyong hakbang na gagawin para sa pagmamahal natin sa paglikha ng komiks, sana wag lumaki ang ulo natin pare-pareho at hangkahan ang ibang mga magsisismula pa lang. Tulong-tulong tayo. Wag kanya kanya. PEACE!

No comments: